Nuong mga nakaraang taon may sinulat kaming article tungkol sa kung paano talunin ang Homesickness. Para sa mga Overseas Filipino ito ang pinakamabigat na kalaban, ang mamiss ang ating mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Naisin man makasama lagi ang ating mga pamilya kailangan mag sakripisyo at magtrabaho abroad para maibigay sa kanila ang mas magandang bukas.
Mga Karaniwang Ginagawa ng mga OFW Para Labanan ang Lungkot
1. Keep Busy – Isa sa mga payo ng mga matatagal ng OFW ay magtrabaho hanggang mapagod. Para kapag uwi mo sa iyong tinutuluyan ay tulog na lang ang iyong nasa isip. Simpleng payo lang ngunit ito’y epektibo.
2. Sumali sa Filipino Community / Join Filipino Communities – Makisalamuha sa mga kapwa pinoy. Isa itong epektibong paraan para ika’y may makausap, may makakabalitaan kung anu nangyayari sa Pilipinas at may maging mga bagong kaibigan na tutulong sa iyo na malimut sandali ang pagkamiss sa sariling bayan. Magkakaroon ka rin ng pagkakataon makatulong sa mga kapwa Pilipino abroad na distressed.
3. Engaged in Sport Activites – Mag gym, mag badminton, basketball at iba pa. Epektibo ito na pampalipas ng oras at nakakabuti pa sa kalusugan.
Punuin mo lahat ng aktibidad ang iyong oras. Wag hayaan mabakante ka unless kailangan mo talaga magpahinga.
Ang homesickness ay mahirap lang naman sa umpisa. Kapag nagtagal ka ng nagtratrabaho abroad ay masasanay ka rin sa bansang iyong tinitigilan.